^

Probinsiya

Tricycle inararo ng bus: 2 patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY , Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang babae habang malubhang nasugatan ang tatlong iba pa nang araruhin ang kanilang sinasakyang tricycle ng isang pampasaherong bus sa diversion road ng Brgy. Silangang Mayao, ng lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na sina Joan Roxas, 37, ng Brgy. Dalahican at isang tinawag na Aleng Gloria, 65, ng Brgy. Silangang Mayao.

Ginagamot naman sa MMG Hospital sina Ariel Cab­rera, 31, may-asawa driver/ owner ng tricycle na sinakyan ng dalawang nasawi at dalawang iba pa na sina Geremias Roa, 35, at asawang si Gen Manasterial, 32, kapwa ng barangay Dalahican.

Ayon sa ulat ni P/Supt. Joel de Mesa, chief of police dito, bandang alas-11:30 ng gabi habang binabagtas ng mga biktima lulan ng walang plakang tricycle ang diversion road patungo sa diireksyon ng Pagbilao, Quezon nang big­lang banggain ng Philtranco bus (ABG-7601) na minamaneho ni Romeo Manrique ng Iriga City. Inararo pa ng ilang metro ng bus ang tricycle at huminto lamang nang makita nitong nagkayupi-yupi ang nasabing sasakyan.

Bago dumating ang mga rescuer, mabilis na tumakas ang tsuper ng bus at inutos na ni de Mesa ang pagtugis sa kanya upang papanagutin sa patung-patong na mga kaso.

vuukle comment

ACIRC

ALENG GLORIA

ANG

ARIEL CAB

BRGY

DALAHICAN

GEN MANASTERIAL

GEREMIAS ROA

IRIGA CITY

JOAN ROXAS

SILANGANG MAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with