^

Probinsiya

Presidente ng meat vendors, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bumulagta ang 55-anyos na presidente ng Meat Vendors Association (MVA) matapos itong ratratin ng isang di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang panindang karne sa palengke sa bayan ng Naguilian, Isabela kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Samuel Lopez, hepe ng Naguilian PNP, napuruhan sa ulo ang biktimang si Marlon Baccay na isa ring matansero.

Lumilitaw sa imbestigasyon na inakala ng ilang vendor na katabing puwesto ni Baccay na suki nito ang gunman kung saan lumapit upang mag-buena mano.

Subalit nagimbal na lamang ang mga saksi nang pagbabarilin sa ulo si Baccay kung saan bumulagta sa ibabaw ng kanyang mga panindang karne.?

Inubos pa ng gunman ang laman ng magazine ng cal. 45 pistol sa katawan ng biktima upang masiguro itong patay na saka mabilis tumakas.?

Tinamaan  naman ng ligaw na bala ang isa ring matador na si Eulalio Torre kaya isinugod sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital.

vuukle comment

ANG

BACCAY

BUMULAGTA

EULALIO TORRE

FAUSTINO DY SR. MEMORIAL HOSPITAL

INUBOS

MARLON BACCAY

MEAT VENDORS ASSOCIATION

NAGUILIAN

SAMUEL LOPEZ

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with