^

Probinsiya

Mag-utol tiklo sa pagnanakaw

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng magkapatid na miyembro ng Akyat-Bahay Gang  matapos na maaresto ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pangungulimbat ng mga ari-arian, at pera sa isang tindahan sa Barangay Caysio, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang kambal na suspek na sina Alfred Alliño at Wilfred Alliño, mga nakatira sa Saint Mary’s Subdivision sa Northville 5A sa nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, lumilitaw na nilimas ng mga suspek ang mga ari-arian mula sa bahay ni Joemar Dogillo. Gayon pa man, mabilis na humingi ng tulong sa mga barangay tanod si Dogillo kaya naaresto ang mag-utol. Nasamsam sa mga suspek ang isang bull cap na puno ng mga barya, at dalawang celpone habang dumagsa naman sa himpilan ng pulisya ang iba pang biktima ng mag-utol.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ALFRED ALLI

ANG

ATILDE

BARANGAY CAYSIO

BULACAN

JOEMAR DOGILLO

MGA

RODOLFO HERNANDEZ

SAINT MARY

WILFRED ALLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with