^

Probinsiya

Mister tumangging magpautang, kinatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagtulungang pagta­tagain hanggang sa mapatay ang 44-anyos na mister na sinasabing tumangging magpautang sa kanyang apat na kainuman sa Barangay Mabasa sa bayan ng Argao, Cebu noong Linggo ng gabi.

Idineklarang patay sa Isidro C. Kintanar Memorial Hospital si Bomirilo Basi­lisco Davis na nagtamo ng mga sugat sa  leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasakote naman ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek na sina Teodoro Camajalan, 46; Glen Basilisco, 25;  Ekiliano Camajalan, 33, at ang 16-anyos na suspek ay sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay P/Senior Inspector Alejandro Batobalonos, hepe ng Argao PNP, nag-iinuman at nagkakantahan ang tatlong suspek at ang biktima nang manghiram ng pera si Teodoro.

Gayon pa man, tumangging magpahiram ang biktima kung saan nagpaalam na uuwi subalit pinagbabato siya ng  mga suspek saka pinagtulungan tagain. Freeman News Service

 

vuukle comment

ACIRC

ARGAO

BARANGAY MABASA

BOMIRILO BASI

EKILIANO CAMAJALAN

FREEMAN NEWS SERVICE

GLEN BASILISCO

ISIDRO C

KINTANAR MEMORIAL HOSPITAL

SENIOR INSPECTOR ALEJANDRO BATOBALONOS

TEODORO CAMAJALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with