^

Probinsiya

Misis tumanggi kay mister, kinatay

Raymund Catindig at Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 24 anyos na misis na tumangging makipagsayaw habang kritikal naman ang kanyang ina sa naganap na pananaga ng mister sa Barangay Duruarog, bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Sa report na nakarating kay P/Senior Insp. Norly Gamal, hepe ng Diadi MPS, umuwing lango sa alak ang 32-anyos na mister na si Reynante Florendo at pilitin niyang aliwin at sayawan siya ng asawang si Liza Florendo.?

Gayon pa man, tu­manggi ang biktima sa pamimilit ng suspek kaya sumiklab ang  awayan ng mag-asawa na nauwi sa pananaga.

Tinaga rin ng suspek sa ulo at kamay ang biyanan na si Lolita De Guzman, 47 matapos itong tumulong sa kanyang anak na kalupaypay.

Kasalukuyang nakiki­pagbuno kay kamatayan si Lolita sa Veteran’s Regional Hospital sa bayan ng Ba­yombong. ?

Agad namang inaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY DURUAROG

DIADI

LIZA FLORENDO

LOLITA DE GUZMAN

NORLY GAMAL

NUEVA VIZCAYA

REGIONAL HOSPITAL

REYNANTE FLORENDO

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with