^

Probinsiya

Binata itinumba sa basketbolan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinagbabaril ng dalawang hindi pa kilalang salarin ang isang 21-anyos na binata habang nanonood ng isang basketball games sa covered court sa kanilang lugar sa Purok 5, Barangay Sta. Barbara, San Antonio ng nasabing bayan noong Huwebes ng hapon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa KC1 Emergency Hospital sa Barangay San Francisco dahil sa tama ng bala sa leeg ay kinilalang si Leo­nard Pascual, drayber at nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon ay nanonood ng basketball ang biktima nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na nagkunwaring manonood din ng basketball.

Nang makita ng mga ito ang biktima ay nilapitan ito at  binaril at bumagsak at saka tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo patungong sa Barangay Batitang.

Patuloy ang imbestigas­yon kung may nakaaway ang biktima kaya’t ito ay niresbakan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BATITANG

BARANGAY SAN FRANCISCO

BARANGAY STA

BATAY

EMERGENCY HOSPITAL

HUWEBES

NANG

PATULOY

SAN ANTONIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with