^

Probinsiya

Misis binoga ng bayaw bago nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang 22-anyos na misis maka­raang barilin ng kanyang bayaw bago nag-suicide sa Barangay San Miguel, bayan ng Maramag, Bukidnon kamakalawa.

Nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Charlene Palaren na patuloy na isinasalba ng mga doktor ang buhay sa Emergency Hospital sa nasabing bayan.

Samantala, nagbaril naman sa ulo ang bayaw ni Charlene na si Rolando Escotin, 36, hiwalay sa asawa at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, nakaupo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay nang biglang dumating ang kanyang bayaw saka isinagawa ang pamamaril.

Nagkulong naman sa silid si Rolando saka isinagawa ang kusang pagsalubong kay kamatayan.

Pinaniniwalaan namang alitan sa lupa ang isa sa motibo ng pamamaril habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

AGAW

BARANGAY SAN MIGUEL

BUKIDNON

CAMP CRAME

CHARLENE

CHARLENE PALAREN

EMERGENCY HOSPITAL

MARAMAG

ROLANDO ESCOTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with