^

Probinsiya

Rookie cop todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbuwis ng buhay ang bagitong pulis matapos itong pagbabarilin ng lalaking nang-agaw ng baril ng security guard sa isang kilalang mall sa Sta. Rosa City, Laguna noong Martes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si PO1 Ariel Abordo, dead-on the-spot sa insidente matapos mapuruhan ng tama ng bala sa katawan. Sa ulat ni P/Supt. Pergentino Malabed, hepe ng Sta. Rosa City PNP, napatay din ang gunman na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa kilalang mall sa Barangay Tagapo kung saan biglang inagaw ng di-kilalang lalaki ang baril sa guwardiya ng mall na tinukoy lamang sa apelyidong Ibasco.

Pinaniniwalaang may diprensya sa pag-iisip ang nasa­bing lalaki.

Nang makita ni PO1Abordo ang komosyon ay mabilis itong napatakbo upang saklolohan ang guwardiya pero bago pa makalapit ay pinagbabaril na ito ng gunman.

Napilitan naman barilin at mapatay ni PO3 Reynante Ingresol ang bumaril sa kanyang kasamahang si PO1 Abordo.

vuukle comment

ABORDO

ARIEL ABORDO

BARANGAY TAGAPO

IBASCO

KINILALA

NAGBUWIS

PERGENTINO MALABED

REYNANTE INGRESOL

ROSA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with