^

Probinsiya

Pawnshop hinoldap: Sekyu utas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na nangholdap sa pawnshop sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Chief Inspector Joel Fuerte ang biktima na si Richard Tabalong na pinagbabaril ng dalawang holdaper sa loob ng Palawan Pawnshop. Gumamit ng martilyo ang dalawa para basagin ang salamin sa pagkuha sa mga alahas na aabot sa P.1 milyong halaga. Nakasuot ng camouflage ang mga holdaper at naka-sombrero nang tumakas lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Bai Sarapinang, Bagumpabayan sa Sultan Kudarat. Ayon sa pulisya, magkapareho ang estilo ng panloloob sa nasabing pawnshop sa Agencia Brillantes sa Koronadal City.

vuukle comment

AGENCIA BRILLANTES

AYON

BAI SARAPINANG

CHIEF INSPECTOR JOEL FUERTE

KORONADAL CITY

PALAWAN PAWNSHOP

RICHARD TABALONG

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with