^

Probinsiya

2 dedo sa road mishap

Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang batang lalaki na namatay sa naganap na magkahiwalay na sakuna noong gabi ng bisperas ng Bagong Taon sa Nueva Ecija.

Kinilala ni P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, provincial PNP director, ang mga namatay na sina Jay-Ar Placido, 4, ng Barangay Poblacion West, Rizal, Nueva Ecija; at Meanne Sevilla, 49, ng Barangay Piñahan, bayan ng General Natividad.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang sakuna may limang minuto lang ang agwat sa isa’t-isa.

Nabatid na naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktimang si Placido nang salpukin ng Mitsubishi Lancer (UAP-935) na minamaneho ni Jojo Cornelio noong Miyerkules

Sumuko naman sa pulisya si Cornelio matapos isugod sa Dra. Rafael Clinic ang biktima subalit namatay din.

Bandang alas-11:20 ng gabi nang mabundol si Sevilla ng motorsiklo na minamaneho ni Jordan Ignacio.

Napag-alamang magkasamang naglalakad sina Sevilla at Christopher dela Paz sa gilid ng highway sa Barangay Poblacion sa ba­yan ng Gen. Natividad nang makasalubong si kamatayan.Christian Ryan Sta. Ana

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY PI

BARANGAY POBLACION

BARANGAY POBLACION WEST

CHRISTIAN RYAN STA

CRIZALDO NIEVES

GENERAL NATIVIDAD

JAY-AR PLACIDO

JOJO CORNELIO

JORDAN IGNACIO

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with