^

Probinsiya

13 bayan, 1 lungsod sa Capiz lubog sa baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 13-bayan at isang lungsod sa Capiz at Aklan ang lumubog sa tubig-baha dulot ng mala­kas na buhos ng ulan sa pananalasa ng bagyong Seniang sa Visayas Region, ayon sa ulat kahapon.

Sa ipinalabas na data ng Office of Civil Defense (OCD) Region VI,  pitong lugar ang apektado ng tubig-baha sa lalawigan ng Capiz kabilang ang  Roxas City, mga bayan ng Maa­yon, Panit-an, President Roxas, Dumarao, Sigma, at ang bayan ng Mambusao.

Aabot naman sa 43 barangay ang dumaranas ng mga pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan si­mula pa noong Lunes.

Kabilang sa mga naa­pektuhan ay ang 15 ba­rangay sa bayan  ng Mam­bu­sao kung saan naapektuhan din ang mga taniman ng palay at gulay.

Ilang pangunahing kalsada rin ang hindi madaa­nan sa mga Barangay Guinotos at Janguslub sa bayan ng Dumarao dulot ng tubig-baha.

Samantala, lubog din sa tubig-baha ang mga Barangay Poblacion Ilawod, Fernandez, Salgan, Poblacion Ilaya, Palaguian, Tapulang, at ang Barangay Piña kung saan naapektuhan ang mga palayan at maging ang iba pang mabababang lugar.

Apektado rin ng tubig-baha na umabot sa tuhod hanggang baywang sa mga bayan ng Alvatas, Balete, Bulwang, Numancia, Madalag at bayan ng Libacao.

vuukle comment

BARANGAY GUINOTOS

BARANGAY POBLACION ILAWOD

BAYAN

CAPIZ

DUMARAO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

POBLACION ILAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with