^

Probinsiya

Dalaga ni-rape sa harap ng bf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maagang nawasak ang pagkababae ng 18-anyos na dalaga matapos itong halayin ng isa sa dalawang holdaper sa harap ng kanyang nobyo sa Barangay Handumanan sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng madaling araw.

Itinago sa pangalang Alyssa ang biktima habang nagpatago naman sa pa­ngalang ang 19-anyos na nobyo na si Carlo.

Sa ulat ni SPO4 Arlyn Torrendon ng Women and Children Protection Desk ng Bacolod City PNP, patungo sa Holy Family Parish Church ang magsyota para mag-simbang gabi nang makaramdan ng tawag ng kalikasan ang babae.

Gayon pa man habang umiihi ang dalaga sa bakanteng lote ay lumabas ang dalawang suspek  mula sa taniman ng tubo kung saan nagdeklara ng holdap laban sa magsyota.

Pinagtig-isahan na tutukan ng patalim ang magkasintahan at inutusan ng mga itong maghubad ng damit.

Isa sa dalawang holdaper ang humalay sa dalaga sa harap ng sariling nobyo habang nakatutok ang patalim na hawak ng kasamahang holdaper sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Matapos ang panghahalay ay puwersahang kinuha ng mga holdaper ang siling bag ng dalawa na may dalawang cellular phones at P140 cash habang tinangay rin ang kagamitan at pera ng lalaki.

Dumulog naman sa pulisya ang mag-syota kung saan sa follow-up operation ay nasakote naman ang dalawang holdaper na positibong itinuro ng dalaga.

vuukle comment

ALYSSA

ARLYN TORRENDON

BACOLOD CITY

BARANGAY HANDUMANAN

DUMULOG

GAYON

HOLY FAMILY PARISH CHURCH

NEGROS OCCIDENTAL

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with