^

Probinsiya

Ama nagbigti dahil sa kahirapan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 36-anyos na ama na sinasabing desperado sa kahirapan ng buhay matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Malasin, San Jose City, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Lumilitaw sa imbetigasyon na bago mag-suicide ang magsasakang si Eddie Villanueva ay nagwala muna sa kanilang bahay dahil sa sinasabing problemado sa kabuhayan ng kanyang pamilya. Kaagad na humingi ng tulong ang misis ng biktima kaya mabilis na rumesponde ang mga barangay tanod. Napayapa naman ang biktima kung saan pinayuhan ng ilang opisyal ng barangay na magpalipas muna ng gabi sa barangay hall ang misis ni Villanueva at walong anak para maiwasan ang anumang karahasan. Nang bumalik sa bahay ang mag-iina kinabukasan ay natagpuan ang biktima na naka­bitin sa kisame ng kanilang bahay.

vuukle comment

BARANGAY MALASIN

EDDIE VILLANUEVA

KAAGAD

KUSANG

LUMILITAW

NANG

NAPAYAPA

NUEVA ECIJA

SAN JOSE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with