^

Probinsiya

Titser pinabulagta ng riding in tandem

Raymund ­Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang mala­king pagkakautang ang isa sa mga motibo sa pamamaslang sa isang guro sa elementarya matapos na pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem sa Brgy. Cabugao, Echague, Isabela nitong Biyernes.

?Kinilala ni Chief Insp. Gerald Gamboa, hepe ng Echague Police ang biktima na si Twinkle Gario, 37 anyos ng Brgy Silauan Sur sa nasabing bayan. ?Luma­labas sa imbestigasyon na inihahatid ng kanyang mister ang biktima patungo sa Cabugao Elementary School nang harangin sila ng dalawang salarin at pagbabarilin ng cal. 45 pistol sa katawan.

Duguang tumilapon sa motorsiklo ang biktima na bagaman naisugod pa ng rescue team sa District Hospital ay binawian rin ng buhay.?

Sa pagtatanong ng mga imbestigador, sinabi ng mister ng biktima na ang mala­king halaga ng pagkakautang ng kaniyang misis ang hinihinala niyang naging mitsa sa buhay ng asawa.?

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

BRGY SILAUAN SUR

CABUGAO ELEMENTARY SCHOOL

CHIEF INSP

DISTRICT HOSPITAL

ECHAGUE POLICE

GERALD GAMBOA

TWINKLE GARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with