^

Probinsiya

Mag-asawa, anak minasaker sa Camarines Sur!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, anak minasaker sa Camarines Sur!
Ang mag-asawa at kanilang anak na minasaker ng armadong grupo sa Sitio Dagupan, Brgy. Calagbangan, Sipocot, Camarines Sur kahapon ng hapon.
Jorge Hallare

Niratrat habang lulan ng trike

SIPOCOT, Camarines Sur, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng pamilya matapos silang pagbabarilin habang lulan ng trike na kolong-kolong ng hindi pa matukoy na mga armadong salarin sa Sitio Dagupan, Brgy. Calagbangan, dito sa bayan, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Francis de Jesus alyas “Joshua”, 33-anyos, magsasaka; asawang si “Lorna”; at kanilang menor-de-edad na anak; pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng umaga ay nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril ang barangay tanod na si alyas “Oscar”.

Ilang sandali makaraang tumigil ang mga putok ay nagtungo siya sa lugar at nagulantang sa nakitang duguang pamilya.

Tumambad ang katawan ni Joshua na nakasabit pa sa manibela ng kanyang minamanehong motorsiklo na may sidecar. Ang kanyang asawa ay nakabulagta sa kalsada, habang nakitang buhay pa sa trike ang kanilang anak. 
Mabilis na isinugod ang menor-de-edad sa Sipocot District Hospital ng mga rumespondeng kasapi ng MDRRMO-Sipocot pero hindi na umabot nang buhay. Ilang basyo ng bala mula naman sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang natagpuan ng mga pulis sa crime scene.

Patuloy sa imbestigasyon ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa pamamaslang.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with