^

Probinsiya

Vice mayor ng Leyte, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang beteranong bise alkalde matapos na pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa pag-aari nitong resto bar sa bayan ng Villaba, Leyte kahapon ng tanghali. Sa phone interview,  kinilala ni P/Senior Inspector Miguelito Bucadi, hepe ng Villaba PNP ang  biktima na si Villaba Vice Mayor Claudio Martin. Nagtamo ng pitong tama ng bala  sa katawan ang biktima kung saan nagawa pang maisugod sa Ospital ng Ormoc City subalit namatay din. Napag-alamang kararating lamang ni Martin sa kaniyang resto bar mula sa pagpupulong ng Sangguniang Bayan sa munisipyo ng Villaba at nagpapahanda ito ng panang­halian sa kaniyang mga waitress nang lapitan at pagbabarilin. Mabilis na tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal .45 pistol at cal. 9mm. 

vuukle comment

LEYTE

MABILIS

NAGTAMO

NAPAG

ORMOC CITY

OSPITAL

SANGGUNIANG BAYAN

SENIOR INSPECTOR MIGUELITO BUCADI

VILLABA

VILLABA VICE MAYOR CLAUDIO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with