^

Probinsiya

Ari ni mister pinutol ni misis

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Natapos na ang kaligayahan ng 33-anyos na mister makaraan itong putulan ng ari ng kanyang misis dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa bayan ng Buluan, Maguin­danao.

Dinala pa ng pamilya ang putol na ari ng biktimang si Aladin Mangudadatu Mindawali matapos itong isugod sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City subalit hindi na nagawa pang maibalik ng mga doktor dahil ilang oras na ang nakalipas bago pa ito nakarating sa pagamutan.

Ayon sa utol ni Aladin na si Sakena Usof Mindawali, nawalan ng malay ang biktima makaraang maputulan ng ari ng kanyang misis gamit ang kutsilyo habang natutulog ito.

Ligtas naman ang biktima sa tiyak na kamatayan subalit iniinda ngayon ang sakit at umiihi na lamang sa pamamagitan ng catheter na ikinabit ng mga doktor sa nasabing ospital.

Agad naman naaresto ang misis na suspek kung saan nabatid na ang mag-asawa ay may apat na anak.

vuukle comment

ALADIN

ALADIN MANGUDADATU MINDAWALI

AYON

BULUAN

DINALA

KORONADAL CITY

LIGTAS

SAKENA USOF MINDAWALI

SOUTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with