^

Probinsiya

Pugante takot masakote, nag-suicide

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang natakot maaresto ang isang pugante kaya nagpasalubong na lamang kay kamatayan matapos itong tumalon sa may 20 talampakang lalim na bangin sa likuran ng kanyang bahay sa Sitio Kipulot, Barangay  Palakapao sa hangganan ng bayan ng Alamada sa North Cotabato at Bukidnon kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Joefry Todenyo, hepe ng Alamada PNP ang pugante na si Chrisler Hernandez na may anim na buwan nang nakatakas mula sa Amas Provincial Jail.

Lumitaw na sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ng nasabing pugante para arestuhin subalit kaagad itong tumakbo at tumalon sa likuran ng kanilang bahay na may malalim na bangin.

Naisugod pa sa Cotabato Provincial Hospital ang pugante subalit namatay din ito.

Sa tala ng pulisya, si Hernandez na pumuga noong Abril 2014 ay may kasong murder, carnapping, robbery with homicide, at double frustrated homicide sa bayan ng Alamada at qualified theft naman sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.

 

vuukle comment

ABRIL

ALAMADA

AMAS PROVINCIAL JAIL

BUKIDNON

CHIEF INSP

CHRISLER HERNANDEZ

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

HERNANDEZ

JOEFRY TODENYO

NORTH COTABATO

SITIO KIPULOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with