^

Probinsiya

Lampara sumabog: Totoy todas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

SOUTH COTABATO, Philippines - Patay ang 3-anyos na totoy habang nalapnos naman ang katawan ng kanyang ama makaraang sumabog ang lampara na sinalinan ng gas sa kanilang bahay sa Barangay Dinlag, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kaagad na namatay ang batang si John Erwin Suyan habang nagtamo naman ng 2nd degree burn ang ama nito na si Edwin Suyan, 29, mga residente sa Sitio Talaytay sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nilagyan ng gas ng kasambahay ang nakasinding lampara nang bigla itong lumiyab at sumabog sa harapan ng bata.

Kitang-kita ni Edwin na nilamon ng apoy ang damit ng kanyang anak na nagawa pang makatakbo subalit lalo pang lumiyab nang sabuyan ng tubig ng mga nakakita.

Sunog din ang suot na damit ni Edwin na hindi na nagawang makasaklolo sa anak.

Naganap ang insidente habang naghahapunan ang pamilya Suyan at nagka­taon na nasa harapan ng lampara ang bata kaya napuruhan ito.

Nagpapagaling na sa South Cotabato Provincial Hospital si Edwin na nasunog ang panga hanggang sa kanyang tiyan. 

 

vuukle comment

BARANGAY DINLAG

EDWIN

EDWIN SUYAN

JOHN ERWIN SUYAN

KAAGAD

LAKE SEBU

SITIO TALAYTAY

SOUTH COTABATO

SOUTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with