^

Probinsiya

Estudyante hiniya ng 2 guro, nagbigti

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang depresyon dahil sa kahihiyan sa eskuwelahan kaya nagdesis­yong magpasalubong kay kamatayan ang 15-anyos na high school student ma­tapos itong magbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Pacac, bayan ng Guimba, Nueva Ecija noong Lunes ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joshua Cosilet y Urmatan, 4th year high school student sa San Andres National High School sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, bandang alas-12:15 ng tanghali nang natagpuan ng kanyang ina ang biktimang nakabitin sa puno ng mangga sa likuran ng kanilang bahay.

Narekober naman ang suicide note ng biktima kung saan sinisisi umano nito ang dalawang guro na sina Grace Galang at Virginia Liwanag.

Base sa suicide note, kinumpronta umano ang biktima ng dalawa nitong guro at ipinahiya kaugnay sa pagpapaamin ng biktima na responsable sa pambabastos at malisyosong salita sa isang hindi pinangalanang mag-aaral.

Gayon pa man, matinding dinamdam ng biktima ang kahihiyang inabot at pag­yurak sa kanyang pagkatao ng dalawang nasabing guro na nauwi sa matinding depres­yon kaya ito nag-suicide.

vuukle comment

BARANGAY PACAC

GAYON

GRACE GALANG

GUIMBA

JOSHUA COSILET

KINILALA

NUEVA ECIJA

SAN ANDRES NATIONAL HIGH SCHOOL

VIRGINIA LIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with