^

Probinsiya

Dyipni hulog sa ilog: 20 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampu-katao ang nasugatan matapos na mahulog ang pampasaherong dyipni mula sa tulay sa Barangay 9, bayan ng Tigbauan, Iloilo kamakalawa ng hapon. Bandang alas- 5:30 ng hapon habang bumabagtas ang pampasaherong jeepney (FEW-924) ni Jose Rolly Feldad nang mahulog ito sa Sibalom Bridge kung saan nagtuluy-tuloy sa ilog. Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng jeepney kaya sinalpok nito ang barandilya ng tulay hanggang sa mahulog ito sa mula may 10 talampakang taas na tulay. Bunga nito ay nasugatan ang driver at ang 19 nitong pasahero na pawang isinugod sa Guimbal District Hospital. Samantala, bunga naman ng malubhang sugat na tinamo ng retiradong guro na si Sonia Florendo ng Miag-ao , Iloilo ay inilipat ito sa Western Visayas Hospital sa Iloilo City.

 

vuukle comment

BANDANG

BUNGA

DALAWAMPU

GUIMBAL DISTRICT HOSPITAL

ILOILO

ILOILO CITY

JOSE ROLLY FELDAD

SIBALOM BRIDGE

SONIA FLORENDO

WESTERN VISAYAS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with