^

Probinsiya

1 patay, 3 sugatan sa madugong kasal sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabalot ng karahasan ang isa sanang masayang kasalan matapos manggulo ang isa sa mga bisita sa lalawigan ng Cotabato kahapon.

Isa ang patay, habang tatlo ang sugatan matapos mamaril si Kandao Pulalon gamit ang M-16 rifle sa isang Moro wedding rite sa bayan ng Midsayap.

Nakilala ang biktimang si Suharto Kulilung, habang si Hashim Mamalampay ang isa sa mga sugatan.

Ayon kay Midsayap municipal police chief Superintendent Reinante Delos Santos, matagal nang may alitan ang pamilyang Pulalon at Kulilung.

Rumesponde naman ang mga barangay tanod at mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit na nakipagpalitan pa ng putok sa mga kamag-anak ni Pulalon.

Nakatakas si Pulalon at mga kasamaha nito matapos ang 25-minutong engkwentro.

Nakita na may dalawang sugatang kasama si Pulalon nang tumakas.

vuukle comment

AYON

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COTABATO

HASHIM MAMALAMPAY

ISA

KANDAO PULALON

MIDSAYAP

PULALON

SUHARTO KULILUNG

SUPERINTENDENT REINANTE DELOS SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with