^

Probinsiya

3 patay, 3 pa sugatan sa pagsabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasu­gatan makaraang aksidenteng sumabog ang rifle grenade  sa isang baybaying barangay sa  bayan ng Maasim, Sarangani kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Tamuay, 32; kapatid nitong si Jenny Dula, 36  at anak ni Jenney na si Jinky. Ang magkapatid na Tamuay ay pawang dead-on the-spot habang binawian naman ng buhay sa pagamutan ang bata.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Laila, misis ni Tamuay na 3- buwang buntis, pinsan nitong si Dinah Abey, 32 at  Maming Cabelol, 55.

Sa ulat ni Inspector Rodel Javison, hepe ng Maasim Police, dakong alas-7 ng umaga ng maganap ang insidente sa Brgy. Lumasal ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon kasa­lukuyang nag-aalmusal ang  mga biktima nang bigla na lamang sumambulat ang 40 MM rifle grenade na agad sumapul sa mga biktima.

Ang nasabing 40 MM rifle grenade  ay napag-alamang napulot ni Rolando sa kaniyang bukirin na iniuwi nito sa kaniyang tahanan upang ibenta umano sa junkshop.

Nabatid na nalaglag sa bulsa ni Rolando ang nasabing 40 MM rifle grenade na biglang sumabog na ikinapahamak nito at maging ng miyembro ng kanilang mga pamilya.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito. 

 

vuukle comment

BRGY

DINAH ABEY

INSPECTOR RODEL JAVISON

JENNY DULA

MAASIM POLICE

MAMING CABELOL

ROLANDO TAMUAY

TAMUAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with