^

Probinsiya

Magpinsang NPA sumuko, 2 tiklo sa Zambo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  – Upang makapagbagong-buhay sumuko ang dalawang miyembro ng New People's Army, habang dalawa naman ang nasakote sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga sumuko na sina Jerry Lumangcag, 19, at ang kanyang pinsan na si Arnel Lumangcag, 25,  na kapwa taga-Misamis Oriental.

Ayon sa komander ng 53rd Infantry Battalion na si Lt. Col. Alvin Luzon, sumuko ang magpinsan upang makasali sa ‘balik-baril’ at pangkabuhayang programa ng gobyerno.

Ibinalik din ng mga Lumangcag ang kanilang armas na AK-47.

Samantala, dalawang rebelde naman ang nadakip sa Sitio Sagpang, Barangay Datagan sa bayan ng Guipos.

Nakilala ang dalawa na sina Wilfredo Dalumos alyas Nick o Tongtong at Edgar Cadilanza.

Nabawi sa dalawa ang kargadong Ingram M11 na may 46 bala at isang granada.

Nahaharap sa kasong illegal possession of fireams and ammunition si Dalumos na may piyansang P100,000, habang wala namang piyansa ang kasong illegal possession of explosive si Cadilanza.
 

vuukle comment

ALVIN LUZON

ARNEL LUMANGCAG

BARANGAY DATAGAN

EDGAR CADILANZA

INFANTRY BATTALION

JERRY LUMANGCAG

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

SITIO SAGPANG

WILFREDO DALUMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with