^

Probinsiya

Ambulansya swak sa bangin: Mag-utol patay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Magkasunod na sinundo ni kamatayan ang magka­patid na lalaki makaraang magpagiwang-giwang ang ambulansyang sinakyan at mahulog sa malalim na bangin sa Sitio Balongbong, Barangay Sibacungan sa bayan ng Bato, Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Eastern Bicol Medical Center ang mga biktimang sina Joey Cab­rera, 27, binata; at Tito Cabrera, 42, may asawa; mga residente ng Barangay Antipolo sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes habang sugatan namang driver na si Santos Cab­rera, 54.

Batay sa police report, ihahatid sana ng matandang Cabrera ang kanyang utol nang magkaaberya ang makina ng ambulansyang minamaneho ng kanyang pinsang si Santos pagsapit sa nasabing lugar.

Dito nawalan ng kontrol sa manibela ang driver  at nagpagiwang-giwang ang ambulansya saka nagtuluy-tuloy sa bangin.

Naisugod naman sa ospital ang mga biktima subalit namatay ang mag-utol habang malubha naman ang driver ng sasakyan.

 

vuukle comment

BAGAMANOC

BARANGAY ANTIPOLO

BARANGAY SIBACUNGAN

CATANDUANES

EASTERN BICOL MEDICAL CENTER

JOEY CAB

SANTOS CAB

SITIO BALONGBONG

TITO CABRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with