^

Probinsiya

Ex-Brgy. Chairman utas sa ambush

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Bumulagta ang isang dating Barangay Chairman habang nasa kritikal namang kondisyon ang kanyang da­ting sekretaryo matapos silang tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa highway ng Brgy. Sagap, Bangued, Abra kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Wilfredo Bao-it  at isinugod naman sa pagamutan ang sugatang si Victor Nalimba; pawang ng Brgy. Sagap ng bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,  lulan ng tricycle na minamaneho ni Nalimba ang dalawang biktima nang paulanan ang mga ito ng bala ng mga armadong salarin na nagkukubli sa masukal na bahagi ng damuhan sa tabi ng highway.


Patay agad ang dating chairman sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan samantalang sugatan at naisugod ng mga sumaklolo si Nalimba sa pagamutan.

Nakarekober ang mga imbestigador sa crime scene  ang 16 piraso ng basyo ng bala ng M16 armalite rifle .

vuukle comment

ABRA

AYON

BANGUED

BARANGAY CHAIRMAN

BRGY

NALIMBA

SAGAP

VICTOR NALIMBA

WILFREDO BAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with