^

Probinsiya

Maglolo utas sa gumuhong pader

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Tuguegarao City, Philippines - Patay ang isang maglolo makaraang aksidenteng madaganan ng gumuhong pader sa kasagsagan ng mga pag-ulan at paghangin sa Minante 1, Cauayan City, Isabela nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing mga biktima na sina Lucas Guzman, 57 anyos at apo nitong si Felix Gammad, 14 anyos.

Ayon kay Isabela Police Director P/Sr. Supt. Sotero Ramos Jr., nadaganan ang mga biktima ng natumbang pader na halos 10 talampakan ang taas sa Minante 1 ng lungsod  dakong alas-5 ng hapon.

Agad namang nagresponde  ang Rescue 922 at unang narekober ang bangkay ni Lucas habang gumamit naman ng heavy equipment para makuha ang katawan ng apo nito.

Samantalang napisak rin ang ulo ni Lucas sa tindi ng pagtama rito ng nabuwal na pader.

Nabatid na dahilan luma na ang pader ay bumigay ang pundasyon nito sanhi ng paglambot ng lupa at gumuho habang minalas namang masawi ang maglolo na nagkataong nasa lugar ng mangyari ang insidente.

 

 

 

vuukle comment

AYON

BIYERNES

CAUAYAN CITY

FELIX GAMMAD

ISABELA POLICE DIRECTOR P

LUCAS

LUCAS GUZMAN

MINANTE

SOTERO RAMOS JR.

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with