^

Probinsiya

Ina kinatay ng adik na anak

Ed Casulla at Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kalunus-lunos na kama­tayan  ang sinapit ng 67-anyos na ina matapos itong pagtatagain ng kanyang anak na sinasabing lango sa droga na nagalit sa sermon ng una kamakalawa ng umaga sa Sitio Panganiban, Ba­rangay Malawag sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Animo’y kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Norma Daza-Silvano habang nasakote naman ang suspek na si Renan Silvano, 27, may asawa at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na dumating sa kanilang bahay ang suspek na lango sa bawal na droga kaya kinompronta ng biktima saka pinagsabihang maghanap ng trabaho para sa kanyang pamilya.

Gayon pa man, nagalit ang suspek sa tinuran ng kanyang ina kaya kinuha nito ang matalim na itak at isinagawa ang pananaga.

Tinangkang tumakas ng suspek subalit maagap na inaresto ng mga awtoridad.

vuukle comment

CAMARINES SUR

GAYON

KALUNUS

LUMILITAW

MALAWAG

NABUA

NORMA DAZA-SILVANO

RENAN SILVANO

SITIO PANGANIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with