^

Probinsiya

5 katao minasaker sa Baguio

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines–  Animo’y baboy na pinatay ang limang kabataan kabilang na ang mag-utol makaraang pagsasaksakin ng isang lalaki sa ikaapat na palapag ng apartment sa Kayang Hilltop, Baguio City kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga biktimang minasaker ay sina Jac­kelyn Kale Nociete,19, estud­yante, nagtamo ng 18-saksak sa katawan; Joey Nociete Jr., 9, utol ni Ja­ckelyn, nagtamo ng 14-saksak; kasambahay ng pamilya na si Jonalyn Lo­zano na nagtamo naman ng 12 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ang dalawa pa ay ang mga batang kalaro ni Joey na sina Dave John de Guzman, 9, na may 12-tama ng saksak habang si Raymond del Mundo, 8, limang saksak naman ang tinamo.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Rolando Miranda, Baguio City PNP director, ang mga biktima ay idineklarang patay sa Baguio City General Hospital and Medical Center matapos suriin ni Dr. Laoa­gan Rajiv.

Pinaghahanap naman ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na si Philip Tolentino Avino, 31, gumagamit ng alyas Michael Geronimo ng #63 Purok 5, Upper Padre Burgos Street sa nasabing lungsod.

Base sa police report, ang krimen ay naganap sa pagitan ng alas-3:30 ng hapon hanggang alas-6: 30 ng gabi sa unit ng pamil­ya Nociete sa ikaapat na palapag ng Chan Building sa 3rd Kayang Street sa nasabing lungsod.

Sa pahayag ng ina na si Vilma Nociete, nagawa pang makapag-text sa kaniya ng anak na babae  pasado alas-5 ng ha­pon na may bisita umano silang  galit na hinahanap ang kanilang ama.

Gayon pa man, nagma­madaling bumalik sa ka­nilang inuupahang unit ang ina ng mag-utol pero nagimbal ito sa kaniyang ina­butan na tadtad ng saksak ang  nakahandusay na katawan ng kaniyang mga anak at iba pang kabataan.

Agad na humingi ng tulong kay Mae Fernandez si Vilma upang maisugod sa pagamutan ang mga biktima pero hindi na umabot ng buhay. Dagdag ulat ni Andy Zapata Jr.

 

vuukle comment

ANDY ZAPATA JR.

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

CHAN BUILDING

DAVE JOHN

DR. LAOA

JOEY NOCIETE JR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with