^

Probinsiya

2 patay, 8 sugatan sa salpok ng kotse

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES , Philippines -— Dalawa-katao ang namatay habang walong iba pa ang nasugatan makaraang suyurin ng sports utility vehicle ang dalawang traysikel, dalawang bisikleta at ang nakaparadang van sa Barangay Del Pilar sa kahabaan ng highway sa bayan ng Castillejo, Zambales kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Laury Navat, 90, ng Brgy. Rosete, San Felipe, Zambales at Liezel Perfecto habang sugatan naman sina Kriza Charize Perfecto, 2; Michelle Torres, 38; Elizabeth Antonio, 43; Gabriel Antonio, 7; Cherry Mae Torres, Mervic Valencia, Vernaliza Jose, at ang 7-buwang gulang na si Menyl Vizon.

Sa ulat ni PO2 Arnold Astronomo, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng umaga sa kahabaan ng highway kung saan unang inararo ng Honda CRV ni Navat at ang ilang pedestrian na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Sinalpok naman ang sinusundang traysikel ni Valencia, kasama ang mga pasaherong sina Jose, at Vizon.

Hindi pa rin huminto ang kotse kung saan sinalpok nito ang van, dalawang bisikleta at dalawang traysikel na nakaparada sa shoulder ng highway.

Pinaniniwalaang inatake sa puso si Navat habang  nagmamaneho ng kotse kaya naganap ang insidente.

vuukle comment

ARNOLD ASTRONOMO

BARANGAY DEL PILAR

CHERRY MAE TORRES

ELIZABETH ANTONIO

GABRIEL ANTONIO

KRIZA CHARIZE PERFECTO

LAURY NAVAT

LIEZEL PERFECTO

MENYL VIZON

MERVIC VALENCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with