^

Probinsiya

Kidapawan city hall employee utas sa pananambang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-uulanan ng bala ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Kidapawan, isang taon mahigit matapos unang pagbantaan ang kanyang buhay.

Nakilala ang biktimang si Agustin Abiquebel, 40,  empleyado ng natural resources office, na nasawi dahil sa iba’t ibang tama ng bala sa katawan.

Lulan ng kanyang motorsiklo si Abiquebel papasok sa kanyang trabaho nang harangan ng mga suspek bago pinagbabaril.

Naniniwala si Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City police, na may kinalaman sa trabaho ni Abiquebel ang motibo sa likod ng krimen.

Nauna nang tinambangan si Abiquebel halos magdadalawang taon na ang nakararaan ngunit masuwerteng nalampasan ito.

Sinabi pa ni Ajero na maaaring iisa lamang ang mga suspek na tumira sa biktima ngayon at noong una.

vuukle comment

ABIQUEBEL

AGUSTIN ABIQUEBEL

AJERO

KIDAPAWAN

KIDAPAWAN CITY

LEO AJERO

LULAN

NAKILALA

NANINIWALA

NAUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with