^

Probinsiya

2 pulis, gun-for-hire member utas sa Batangas shootout

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang dalawang parak ang nasawi  matapos paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng gun for hire gang na ikinasawi rin ng isa sa mga suspek sa ambush na nauwi sa shootout sa  Batangas City, Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Batangas City Police, nakilala ang mga nasawi na sina SPO4 Fidel Macatangay, 45 anyos, nakatalaga sa Intelligence Section ng Batangas Police at  PO2 Melvin Talabis, nasibak sa puwesto matapos na mag-AWOL (Absence Without Official Leave) na naglalakad ng mga papeles para sa kanyang reinstatement sa serbisyo.

Ang nasawing suspek ay nakilala namang si Avelino de Paz, 46-anyos, tubong Javier, Leyte at naninirahan sa Caloocan  City na natukoy ng pulisya sa pama­magitan ng  ID sa wallet nito.

Ang dalawang pulis at ang suspek na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan ay pawang dead-on-the-spot sa in­sidente.

Ayon kay PO1 Bong Vales, desk officer ng Batangas City Police, bandang alas-5:50 ng hapon habang lulan sina Maca­tangay at Talabis ng  kulay dalandan na Crosswind Sportivo nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng highway ng Brgy. Sta Rita ng lungsod.

Sa kabila ng sugatan ay nagawang gumanti ng putok ng dalawang parak na ikinasawi ng suspek na si de Paz na natagpuan ang bangkay may 30 metro ang layo sa niratrat na sasakyan ng nasabing mga parak.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awto­ridad sa crime scene ang 44 basyo ng bala ng M16 rifle, 11 basyo ng cal. 45 pistol at isa pang live ammunition ng cal. 45 pistol. Iniimbesti­gahan pa ang kaso.

 

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY POLICE

BATANGAS POLICE

BONG VALES

CROSSWIND SPORTIVO

FIDEL MACATANGAY

INTELLIGENCE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with