^

Probinsiya

Ex-mayor dedo sa patibong ng mangangaso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malupit na kamatayan ang sinapit ng dating alkalde sa bayan ng Natonin matapos itong mabitag ng patibong para sa mga ligaw na hayop sa bulubunduking bahagi ng Mountain Pro­vince kamakalawa.

Kinilala ni Mt. Province PNP director  P/Senior Supt. Oliver Emodias, ang biktima na si ex-Natonin Mayor Donald Olivia.

Duguan sa tama ng bala ng shotgun ang biktimang natagpuan sa patibong ng grupo ng mga mangangaso na sinamahan nito para manghuli ng mga baboyramo at usa sa kagubatan.

Sa inisyal na pagsusuri, may malalim na sugat sa paa ang biktima na posibleng namatay sa pagkaubos ng dugo at hypothermia.

Ayon sa mga medical expert, ang hypothermia ay umaatake kapag hindi na nakayanan ng katawan ng tao ang sobrang lamig na  maaari ring magresulta sa cardiac arrest.

Lumilitaw  pa sa imbes­tigasyon na may kasamang 10 mangangaso ang biktima na umakyat sa kabundukan ng Mt. Province  ng mangyari ang trahedya.

Gayon pa man, napilitang magsagawa ng search ang rescue operations ang grupo mAtapos mabigo ang biktima na napagkasunduang lugar na kanilang tagpuan.

 

vuukle comment

AYON

DUGUAN

GAYON

KINILALA

MOUNTAIN PRO

MT. PROVINCE

NATONIN MAYOR DONALD OLIVIA

OLIVER EMODIAS

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with