^

Probinsiya

Mag-asawang bisor kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang mag-asawang supervisor ng ele­mentary school sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mag-asawa na sina Rudy Luna at Tessie Luna na kapwa supervisor sa Kumalarang Central Ele­mentary School sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, hinarang ng mga armadong lalaki ang mag-asawang Luna habang lulan ng puting Toyota Fortuner sa kahabaan ng highway sa bahagi ng Barangay Diplo.

Walang nagawa ang mag-asawa matapos na tutukan at sumampa sa kanilang sasakyan at ki­nomander ito patungo sa direksyon ng Sitio Dacun sa Barangay Picanan.

Gayon pa man, habang inihahanda ng mga kidnaper ang pumpboat na pagsasakyan ay nagawang makatakas ni Tessie pero naiwan ang mister nito.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya ang sasakyan ng mag-asawa sa tabing aplaya.

vuukle comment

BARANGAY DIPLO

BARANGAY PICANAN

CAMP CRAME

DINUKOT

KUMALARANG CENTRAL ELE

RUDY LUNA

SITIO DACUN

TESSIE LUNA

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with