^

Probinsiya

3 karnaper, tiklo

Tina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Tatlong  notoryus na karnaper ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya matapos na tangkaing ipatubos sa may-ari ang ninakaw ng mga itong motorsiklo sa operas­yon sa Imus City kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Marlon Sapida 33, driver, ng Brgy Sabang Dasmariñas City; Nelson Paredes, 47, mekaniko, naninirahan naman sa Brgy. Bucandala at Ronald Allan Cruz, 28, ng Brgy. Calsadang Bago 2; pawang sa Imus City.

Ayon kay Supt. Rodrigo Maranan, hepe ng pulisya ng lungsod isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek matapos na dumulog sa kanilang himpilan ang mayari ng motorsiklo na si Ruel Felecia, 32, nakatira sa Brgy. Patindig Araw, Bayan Luma 8 ng nasabing lungsod.

Nabatid na kinontak ng mga suspek ang kanilang biktima at ipinatutubos pa ang kinarnap nitong Honda XRM 125 MC na tinangay habang nakaparada sa 3rd floor ng Ro­binson Place, Imus City dakong alas-8 ng gabi noong Enero 14 ng taon.

Narekober sa mga suspek ang motor ng biktima, shabu at mga drug paraphernalia at isang caliber .38 revolver na may tatlong bala.

 

vuukle comment

BAYAN LUMA

BRGY

BRGY SABANG DASMARI

CALSADANG BAGO

IMUS CITY

MARLON SAPIDA

NELSON PAREDES

PATINDIG ARAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with