^

Probinsiya

Lover todas sa bayaw ng kalaguyo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na biyudo  matapos na pagtatagain ng bayaw ng kanyang kalaguyo kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Dapdap, bayan ng Uson, Masbate.

Animo’y kinatay na baboy ng biktimang si Jerome Dando, tubong Motogas Alto sa bayan ng Jimenes, Misamis Occidental at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na barangay.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jelito Fajardo, 43, bi­yudo, magsasaka at residente rin sa nasabing bayan.

Lumilitaw na dumalaw ang biktima sa bahay ng kanyang kalaguyo na sinasabing hipag naman ng suspek kung saan ang mister nito ay nagtatrabaho sa Maynila.

Nang malaman ng suspek na ang biktima ay nasa loob ng bahay ng kanyang hipag ay kaagad na sinugod at pinagtataga hanggang sa mapatay.

Walang bakas na pagsisi ang susepk sa ginawang  pamamaslang sa biktima kung saan pormal namang kakasuhan ng pulisya.

 

vuukle comment

BARANGAY DAPDAP

JELITO FAJARDO

JEROME DANDO

JIMENES

LUMILITAW

MASBATE

MAYNILA

MISAMIS OCCIDENTAL

MOTOGAS ALTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with