^

Probinsiya

Coed ginahasa ng kainuman sa boarding house

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Naging mitsa ng pagkapariwara ng isang 20 anyos na dalagang estudyante ang pagpapaunlak nito na makipag-inuman matapos gahasain sa loob ng isang boarding house sa Brgy. Caggay ng lungsod kamakalawa.

Halos hindi makagulapay sa pananakit ng buong katawan ng dumulog sa pulisya ang biktimang iti­nago sa pangalang Suzette.

Ayon kay Police Regio­nal Office (PRO) 2 Spokesman  Supt Fernando Cristobal, sinampahan na ng kasong rape ang suspek na si Christian Baguek, tubong  Kabugao, Apayao.

Sa imbestigasyon, nabatid na inanyayahan lamang ng kapwa babaeng kaibigang estudyante ang biktima sa boarding house ng isang Jed Bossing upang makipag-inuman kasama ang suspek.

Matapos ang ilang tagay ay nahilo ang biktima at nagtungo sa comfort room pero sinundan ito ng suspek.

Ayon sa biktima, wala siyang nagawa matapos halayin ng suspek sa loob mismo ng comfort room.

Samantalang, ilang oras matapos ang insidente ay agad namang nagsuplong sa pulisya ang biktima


Sinasabing sinundan ng suspect ang biktima sa comfort room kung saan ay doon nito ginawa ang kahalayan habang nahihilo ang dalaga. 
Ang kaso laban sa suspek ay isinampa sa Provincial Prosecutors Office sa lungsod na ito.

 

vuukle comment

APAYAO

AYON

BRGY

CAGGAY

CHRISTIAN BAGUEK

JED BOSSING

POLICE REGIO

PROVINCIAL PROSECUTORS OFFICE

SUPT FERNANDO CRISTOBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with