^

Probinsiya

Alitan sa lupa: Magsasaka tinodas, lola grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Pinabulagta ang isang magsasaka habang isa ring lola ang malubhang sugatan matapos  barilin ng de-sabog ng kanilang kaalitan sa lupa sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa Brgy. Malintao, Echague at Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Isabela Police Spokesman Supt. Narciso Paragas ang nasawi na si Rey Luceda, 50 anyos ng Brgy. Malintao samantalang ang suspek naman ay si Santiago Batag, 49 ng Brgy. Garit Sur ng nasabi ring bayan.

Ayon kay Paragas, sumuko ang suspek sa mga opis­yales ng Barangay matapos niyang mapuruhan ng desabog ang biktima.

Sa bayan ng Cabagan, nasa malubha namang kalagayan ang isang 64 anyos na Lola na si Honoria Reyes ng Brgy. Masipi East matapos itong barilin ng de-sabog ng kaalitan nito sa lupa na si Jaymar Reyes 24 na taga Brgy. Pilig Alto sa nasabing bayan.  Ang biktima ay isinugod sa Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa kabisera ng Iligan City. Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek.

 

vuukle comment

BRGY

CABAGAN

FAUSTINO DY SR. MEMORIAL HOSPITAL

GARIT SUR

HONORIA REYES

ILIGAN CITY

ISABELA POLICE SPOKESMAN SUPT

JAYMAR REYES

MALINTAO

MASIPI EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with