^

Probinsiya

Ama ng ni-rape slay na nursing student, patay sa atake!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ama ng ni-rape slay na nursing student, patay sa atake!
Stock image of a man suffering from chest pain.
Pixabay / Tumisu

2-araw matapos mailibing ang anak

MANILA, Philippines — Dalawang araw matapos na ilibing ang pinas­lang na nursing student, namatay sa atake sa puso dulot ng matinding hinagpis ang ama nito sa Brgy. Labonan, Bo­ngabong, Oriental Mindoro nitong Martes ng mada­ling araw.

Sa ulat, ang biktimang si Roden Gabayno, 47-anyos, konsehal sa kanilang Barangay ay idineklarang dead-on-arrival sa Oriental Mindoro Southern District Hospital matapos dumaing ng paninikip ng dibdib. Alas-4 ng madaling araw nang ganap siyang bawian ng buhay ilang minuto matapos isugod sa ospital.

Si Roden ay ang ama ng biktimang si Altheia Maru Gabayno, 20 taong gulang, 3rd year nursing student ng Saint Anthony College sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang dalagang si Altheia ay natagpuang patay at nakababa ang panty sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sapul, Calapan City noong Nob­yembre 7 na may mga tama ng saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Ang suspect sa krimen, isang Pastor, da­ting boyfriend ng biktima ay sumuko naman sa mga awtoridad  na sinundo pa kinabukasan ng mga tauhan ng Calapan City Police sa isang simbahan sa Legarda Street, Sampaloc, Manila.

Ikinatwiran ng suspect na bina-blackmail umano siya ng biktima dahil buntis siya at hindi umano siya ang ama kung saan nais siyang panagutin na mitsa ng krimen.

Base sa pahayag sa mga awtoridad ng pamilya ni Roden, labis nitong dinamdam ang maagang pagpanaw ng anak na nasira umano ang pangarap na maging ganap na nurse bunga ng pagpatay rito ng pastor.

Samantala, hindi rin umano umiyak si Roden nang ihatid sa huling hantungan ang anak noong nakalipas na Sabado pero nanginginig ang katawan nito sa kinikimkim na matinding galit.

Nagulantang na lamang ang mga kaanak nang magising sila na patay na ang ama ni Altheia. 

Ang suspect na pastor ay sinampahan na ng kasong murder.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with