^

Probinsiya

May diperensya sa isip kinatay, pinugutan ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Animo’y kinarne ang katawan ng 38-anyos na lalaking may bahagyang diperensya sa pag-iisip makaraang wakwakin ang tiyan ay tinanggalan pa ng laman-loob saka pinugutan at pinutulan pa ng ari ng nakabangga nitong adik sa bayan ng Malungon, Sarangani, ayon sa ulat kahapon.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Insp. Lurobe Rojo, hepe ng Malungon PNP ang biktima na si Gary Natural ng Sitio Sto. Niño sa Barangay Poblacion.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa may sapa sa Sitio Pangan noong Sabado kung saan positibong kinilala ng kaniyang amang si Luciano Natural dahil may tattoo itong gagam­ba sa dibdib.

Sinabi pa ni Rojo na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung saan lumilitaw na wala rin sa katinuang pag-iisip ang suspek na napapabalitang adik sa bawal na droga.

Sinabi ni Rojo na matin­di ang galit ng suspek na tumanggi muna itong tukuyin ang pangalan dahil sa inilatag na malawakang dragnet operations.

 

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSP

GARY NATURAL

LUCIANO NATURAL

LUROBE ROJO

MALUNGON

ROJO

SINABI

SITIO PANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with