^

Probinsiya

Publisher niratrat sa waiting shed

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang publisher ng lokal na pahayagan matapos itong pagbabarilin ng tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Menien West, bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Inspector Ryan Ma­nongdo, spokesman ng Pangasinan PNP ang biktima na si Jaime Aquino, publisher ng Northern Star Magazine.

Si Aquino ay isa sa mga kasamahang  akusado ni Pangasinan Gov. Amado Espino sa kasong pagpatay kay Mayor Ruperto Martinez ng bayan ng Infanta noong Disyembre 2012.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagbabasa ng diyaryo ang biktima sa waiting shed nang biglang ratratin.

Gayon pa man, nagawang makatakbo ng biktima sa kaniyang sasakyan para kunin ang service firearm pero tuluyan na itong bumagsak ng tamaan ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sa tala ng pulisya, sinasabing idinawit sina Aquino, Gov. Espino Jr. at isang kongresista sa Pangasinan bilang mga mastermind sa pagpatay kay Martinez.

vuukle comment

AMADO ESPINO

BARANGAY MENIEN WEST

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR RYAN MA

ESPINO JR.

JAIME AQUINO

MAYOR RUPERTO MARTINEZ

NORTHERN STAR MAGAZINE

PANGASINAN

PANGASINAN GOV

SI AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with