Mga kawani dismayado sa konseho
LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Tuluyang naglaho ang minimithi ng mga kawani ng lokal na pamahalaang lungsod ng Lucena makaraang ibasura ng Konseho ang 10% across the board wage increase ngayong 2013.
Bakas sa mukha ang pagkadismaya ng mga kawani matapos banggitin ni Mayor Roderick “Don-Don†Alcala sa flag-raising noong Lunes, na maaantala ang salary increase ng mga kawani dahil sa hindi naipasang annual budget for 2013 sa Konseho.
Ayon sa alkalde, ang dagdag sahod ng mga kawani ng City Hall ay matagal nang napag-aralan at handa na sanang ibigay ngayong taon subalit dahil sa panggigipit sa kanyang administrasyon ay patuloy itong nakabimbin.
Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang alkalde na maaprobahan pa rin ito dahil gagawa siya ng kaukulang hakbang para maibigay ang nararapat sa mga kawani.
- Latest




















