57-anyos dinedo sa pikunan
March 26, 2013 | 12:00am
CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang 57-anyos na matandang binata matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay dahil sa pagkapikon kamakalawa ng gabi sa Barangay Talaba 2, Bacoor City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Suelberto Besa habang nadakip naman ang suspek na si Rolando Obeja, 38, may asawa, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Bandang alas-6:30 ng gabi nang magkasalubong ang dalawa kung saan nagkapikunan kaya naganap ang pamamaslang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended

















