^

Probinsiya

Trader nakipag-sex sa kawatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa pakikipag-sex sa kawatan na pumasok sa silid nito, isang negosyante ang sising alipin ngayon matapos itong mapagnakawan sa loob ng kaniyang tahanan sa Barangay Langgam, San Pedro City, Laguna kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. John Kirby Kraft na nakarating sa Camp Crame, dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Mark  Lester Badion, 23, ng Lotus Street, Saint Joseph Village 9 sa nasabing lugar.

Sa salaysay ni Badion, naganap ang insidente bandang alas-2 ng madaling araw habang ito ay natutulog sa loob ng silid.

Nagising umano ang biktima na pinaghihipuan sa ari hanggang sa i-blow job ito ng suspek na si Tony de la Cruz, 20, ng Mindanao Street, Old Tenant sa nabanggit na barangay.

Gayon paman, nagpaubaya ang biktima sa suspek sa malaswa nitong ginagawa na ng makaraos ay mabilis na nagtatakbo na dumaan sa pintuan ng bahay ng biktima.

Dito na bumangon ang biktima at nadiskubreng nawawala ang kaniyang mobile phone, itim na lalagyan ng P.770 milyon, drivers license, ATM card , mga damit  at isa pang Samsung E10 mobile phone na pag-aari ng isa pa nitong kaibigan na tumutuloy sa kabilang silid.

Nabatid na maging ang kuwarto ng kaibigan ng biktima ay niransak din ng suspek at marami ring nawawalang gamit.

Agad namang humingi ng tulong sa guwardiya ng subdibisyon ang biktima at naharang ang suspek habang papalabas ng gate.

 

vuukle comment

BADION

BARANGAY LANGGAM

CAMP CRAME

JOHN KIRBY KRAFT

LESTER BADION

LOTUS STREET

MINDANAO STREET

OLD TENANT

SAINT JOSEPH VILLAGE

SAN PEDRO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with