^

Probinsiya

Kotse vs poste: 3 patay, 1 grabe

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang kanilang kotse sa poste ng telepono sa bahagi ng Barangay Rawis sa Legazpi City, Albay noong Sabado ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Oscar Regala, kinilala ang mga namatay na sina Voltaire Salcedo, 30; Andrew Salcedo, 18; at si Johnny Borromeo, 17.

Samantala si Nico Paje, 17, ay nanatiling nasa malubhang kalagayan sa Bicol Regional Hospital.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pawang lango sa alak ang apat na lulan ng Ford Lynxs Sedan (WPY 941) habang ito ay papauwi mula sa birthday party.

Dahil sa sinasabing over-speeding ay nawalan ito ng kontrol sa manibela bago sumalpok sa poste ng telepono.

Animo’y lata ng sardinas na nayupi ang kotse kung saan umabot sa dalawang oras bago mailabas ang mga biktima.

Idineklarang patay sa nasabing ospital ang tatlong biktima habang ang isa nilang kasama ay nakikipagbuno kay kamatayan.

 

vuukle comment

ALBAY

ANDREW SALCEDO

BARANGAY RAWIS

BICOL REGIONAL HOSPITAL

FORD LYNXS SEDAN

JOHNNY BORROMEO

LEGAZPI CITY

NICO PAJE

OSCAR REGALA

VOLTAIRE SALCEDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with