^

Probinsiya

Kotse salpok sa shed: 4 dedo, 2 grabe

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Humabol sa Undas ang apat na magkakaibigang lalaki habang dalawang iba pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na sumalpok ang kanilang kotse sa waiting shed sa Brgy. Tabug, Batac City, Ilocos Norte noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Jessie Gorospe, hepe ng Provincial Police Civil Relations Office ang mga nasawi na sina Rosevelt Ranada, 31; Rogel Agdeppa, 25; at si Arnel Macadaeg, 25; pawang nakatira sa Ba­rangay Tartabang sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte.

Samantala ang driver­ na si Fred Oasay, 39, ng Pinili, Ilocos Norte ay binawian naman ng buhay dakong alas-3:30 ng madaling-araw kahapon.

Patuloy namang naki­kipagbuno kay ka­matayan sa Don Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang mga sugatang sina Meynard Mendoza, 31; at Miguel Fagaragan, 24.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dumalo sa okasyon ng inuman ang mga biktimang nalango sa alak.

Napag-alaman ding seng­lot ang driver ng kotseng Toyota Corolla (PMJ780) na si Oasay na sinasa­bing nawalan ng kontrol sa manibela kaya naganap ang trahedya sa gilid ng national highway.

Bukod sa pagsalok ng kotse sa waiting shed ay sinuyod din ang punong mangga sa kaliwang bahagi ng highway.

vuukle comment

ARNEL MACADAEG

BATAC CITY

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

FRED OASAY

ILOCOS NORTE

JESSIE GOROSPE

MEYNARD MENDOZA

MIGUEL FAGARAGAN

PINILI

PROVINCIAL POLICE CIVIL RELATIONS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with