^

Probinsiya

2 patay, 3 sugatan sa pagsabog

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang ini­ulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan kabilang ang dalawang pulis sa naganap na magkahiwalay na pagsabog sa harapan ng hotel sa  Cagayan de Oro City at bayan ng I­melda, Zamboanga, Sibugay, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Cagayan de Oro City PNP director P/Senior Supt.. Gerardo Rosales, niyanig ng pagsabog malapit sa Maxandrea hotel, Borja St., Cogon District sa Cagayan de Oro City kung saan nasawi ang dalawang kawani ng hotel na si Rudy Jote at isang tinukoy sa alyas Toto.

Kabilang sa mga na­sugatan ay sina PO1 Dexter Cano at PO1 Rogelio Canilanza na kapwa nakatalaga sa Cagayan de Oro City PNP.

Lumilitaw na rumes­ponde ang mga operatiba ng pulisya matapos mabatid na may iniwang bag na kahina-hinala pero habang iniinspeksyon ang laman nito ay biglang sumambulat ang bomba na ikinasawi ng mga biktima at ikinasugat ng dalawang pulis.

Samantala, iniulat naman ni Col. Randolph Cabangbang ang pagka­sugat ng 14-anyos na si Alfraffy  Bano sa pagsabog naman sa complex sa Poblacion, Imelda, Zambo­anga, Sibugay bandang alas-7:40 ng gabi kamakalawa.

Ang pagsabog ay naganap sa harapan ng M & M Alrahi Garment Shop na pag-aari ni Merpha Bano.

vuukle comment

BORJA ST.

COGON DISTRICT

DEXTER CANO

GERARDO ROSALES

M ALRAHI GARMENT SHOP

MERPHA BANO

ORO CITY

RANDOLPH CABANGBANG

ROGELIO CANILANZA

RUDY JOTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with