^

Probinsiya

2 patay sa road mishap

- Christian Ryan Sta. Ana - The Philippine Star

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines – Dalawa ang iniulat na namatay at dalawa rin ang nasugatan makaraang mabangga ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ng kasalubong na pickup sa kahabaan ng San Anton-Jaen provincial road, Brgy San Antonio sa bayang ito, kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Clinton Flaminiano, 18, 2nd year college student; at tiyahin nitong si Aquilina Panigbatan, 56, biyuda, kap­wa ng Barangay Langla, Jaen, Nueva Ecija. Isinugod naman sa Gonzales General Hospital ang sugatang sina Carlito Pascual, 20; at Richard Ronquillo, 26, kapwa may-asawa ng Brgy. Tabua­ting ng bayang ito. Naaresto naman ang driver ng Isuzu pick-up (BMS-800) na si Alexander Diaz, negosyante ng Brgy. San Josef Nabao, Jaen ng lalawigan Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-6:45 ng gabi, ang dalawang nasawi ay sakay ng motorsiklong Suzuki Raider (8577-GD) at dalawang sugatan na sakay naman ng Honda Wave (HL-9577) ay kapwa patungo sa bayan ng Jaen nang biglang mabangga ng kasalubong nitong pick-up na patungo naman sa Maharlika Highway.

vuukle comment

ALEXANDER DIAZ

AQUILINA PANIGBATAN

BARANGAY LANGLA

BRGY

BRGY SAN ANTONIO

CARLITO PASCUAL

CLINTON FLAMINIANO

GONZALES GENERAL HOSPITAL

JAEN

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with