^

Probinsiya

Dalaga kinidnap, pinilahan bago pinatay

- Cristina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 24-anyos na dalaga matapos itong kidnapin ay pinilahan pa ng limang kalalakihan sa loob ng sementeryo sa Barangay Maguyam sa bayan ng Silang, Cavite noong Huwebes (Agosto 2).

Kinilala ang biktima na si Maria Elena “Princess” Mañago ng Pabahay Katuparan 2000, Barangay Bagtas sa bayan ng Tanza, Cavite.

Pormal naman kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Kier Cariaga, Pido Rupeta, Jhanpoll Gruta, Arvin Atienza at si Jeje Mier, pawang nakatira sa bayan ng General Mariano Alvarez at Barangay Ipil 1 sa bayan naman ng Silang, Cavite.

Pinaniniwalaan naman ng pulisya na pawang mga lango sa bawal na droga ang mga suspek nang isagawa ang krimen.

Base sa police report, huling namataang buhay ang biktima   noong Miyerkules ng gabi (Agosto 1) na nagpaalam sa kanyang utol na pupunta sa kanyang kaibigang si Joyce Ann Fernandez sa bayan ng General Mariano Alvarez.

Makalipas ang ilang araw na paghaha­nap ng pamilya ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa funeral parlor matapos na may tumawag sa kanila.

Sa kasalukuyan ay nagbigay na ng salaysay sa pulisya ang pangunahing testigo sa krimen na nakasaksi sa ginawa ng mga suspek laban sa biktima.

vuukle comment

AGOSTO

ARVIN ATIENZA

BARANGAY BAGTAS

BARANGAY IPIL

BARANGAY MAGUYAM

CAVITE

GENERAL MARIANO ALVAREZ

JEJE MIER

JHANPOLL GRUTA

JOYCE ANN FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with