^

Probinsiya

Manager bulagta sa tandem

- Boy Cruz - The Philippine Star

STA. MARIA, Bulacan, Philippines – Bumulagta ang isang 52 anyos na manager ng isang kumpanya matapos na tambangan ng apat na lalaking magkakaangkas sa dalawang motorsiklo sa ambush sa bayang ito kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong siyam na tama ng bala sa katawan ang biktimang si Neftalie Tuscano, manager ng Plates Department ng Philippine Batteries Incorporated (RAMCAR) na may tanggapan sa Brgy. Bulac ng bayang ito.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Jerry Villamor dakong alas 5:30 ng hapon habang papauwi na ang biktima galing sa kanyang trabaho lulan ng bagong biling kotseng Cherry Sedan (ZSS-236) ng tamba­ngan ng mga suspek pagsapit sa Brgy.San Jose Patag sa nabanggit na munisipalidad.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM at cal 45 pistol pero nabigong maabutan ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

BRGY

BULAC

BULACAN

BUMULAGTA

CHERRY SEDAN

JERRY VILLAMOR

NEFTALIE TUSCANO

PHILIPPINE BATTERIES INCORPORATED

PLATES DEPARTMENT

SAN JOSE PATAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with